Ang talambuhay ni Ladilyn Abrigo, IV-Science
Ang Aking Mahal na Pamilya |
Kuha mula sa aking kaarawan |
Noong ako ay 3 yrs. old |
kuha sa aking kaarawan kasama ng aking mga kababata |
Nagsimula ang kwento ng aking buhay noong ako ay isinilang sa Brgy. San Mateo San Pablo City noong June 08,1995. Ang aking Ina ay si Lani Abrigo, siya ay isang housewife. Ang aking tatay naman ay si Edison Abrigo na isang Laboratory Technician (LabTech). Ako ay pangalawa sa tatlong magkakapatid. Kaming tatlong magkakapatid ay puro babae, kaya ang tawag sa amin ay TRES MARIAS.
ng ako ai gumaraduate ng kindergarten |
Kuha mula sa aking pagtatapos ng kinder |
June 08, 2001 tumanda na ako ng isang taon, anim na taong gulang na ako, sapat na daw ang edad ko para pumasok sa grade 1, napagpasyahan nina mama at papa na ilipat ako ng paaralan. Dito nagsimulang mag –iba ang aking buhay. Dati-rati ay tatawid lang ako upang makapasok sa eskwelahan, pero ng lumipat na ako sa San Pablo City Central School ay nag-iba na. Kailangan ko ng gumising ng maaga, hinahatid ako ng aking mama at ang pinakabagong nangyari ay sumasakay na kami ng jeep. Ditto na rin kami nagkahiwalay ng aking Bestfriend ng paaralan. Minsan na lamang kami magkita at maglaro. Naging mahirap ang aking pag-aaral sa Grade 1, nahirapan akong mapasama sa honors dahil mas madami at magagaling ang aking mga katung gali. Natapos na ang aking Grade 1, kumuha kami ng exam para makapasok sa Pilot Section sa Grade 2. Noong una ay hindi ako pinalad, napabilang ako sa section 1, Ngunit isang araw ay tinawag ako upang ilipat sa Pilot C, Taon taon ay pinapakuha kami ng exam upang malaman kung saan kami nararapat na section. Sa apat ko pang natititrang taon ay pinalad naman akong mapabilang sa pilot section. Noong Grade 3 ako ay napabilang sa pilot A, pero
ng taon ay, tinawag ng Fast Learner section o FL section an gaming pangkat. Dito ay nahalal akong secretary na aming klase. Mahigpit din ang kumpitensya dito, kaya hindi rin ako nagtagumpay na magkaroon ng medalya. Noon kasi ay Top 5 lamang ang kinukuha mula Pilot A to Pilot C. Sa kasawiang palad ako ay pang-sampu.
ito ay nung ako ay gumaraduate ng ELEMENTARY |
Pinakuha naman ako ng exam sa DIZON HIGH. Pinalad naman akong makapasok sa Science Section. Noong una ay ayaw ko ditong pumasok dahil sa mga naririnig ko tungkol sa mga estudyante dito. Ngunit nagbago ang lahat ang lahat ng iyon ng makilala ko ang SCYBER PHOENIX Family, ang aking pinakamamahal na section. Dito ay naging kaklase ko ulit ang aking kaibigang si Piwie. Naging malapit ulit kami sa isa’t-isa, bukod sa kanya ay madami pa akong naging kaibigan. Una kong nakilala ay ang aking katabi, ang una kong naging kaibigan si Marizthel Alcantara. Siya ang una kong naging matalik na kaibigan.
Nagkaroon pa ako ng madami pang kaibigan. Nakilala ko si Danica, ng naging magkakasundo kami nina Danica, Mariz at Piwie ay nabuo ang EP4. Lagi kami noong magkakasamang apat, tuwing recess at uwian. Nang dumating ang isang araw na nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihang apat. Nagkagalit galit kami at napahiwalay sa amin si Mariz. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan, at ditto ko nakilala si Criselda Malabanan o mas kilala sa tawag na Mhokay. Naging malapit sa amin si Mhokay, nagkaroon nga ng oras na siya ang pumalit kay Mariz sa aming grupo. Noong 3rd year na kami ay kami pa din ang magkakasama lagi. Parang naging assistant na kami n gaming adviser dati na si Mrs. Quides. Tinawag niya kaming Danica’s Angel’s dahil lagi kaming magkakasama kapag tinatawag si Danica natapos na kami ng 3rd year, pinalad kaming apat na maging 4-Science ulit. Walo sa aming seksyon ang napalipat sa seksyon A. ngunit ang 1 ay lumipat sa ibang paaralan at ito ay ang madalas naming makaaway na si Jorgina. Kahit ganoon ay naging malungkot din kami sa pag-alis niya.
My Friends |
June 08, 2010 pinakamahalagang araw sa aking buhay ang aking kapanganakan. Nagkaroon ng brigade eskwela sa aming paaraln. Sumama kaming magkakaibigan dito, pagkatapos ay isinama ko sila sa aming bahay at kumain. Natapos ang araw ng Masaya dahil nakasama ko ang aking mga kaibigan sa pinakamahalagang araw sa buhay ko. Dumating na ang araw ng pasukan, nagkita-kita ulit kaming magkakaklase.
Ngayong 4th year na kami ay mas naging malapit ang aming section sa isa’t-isa. Mas madalas na kaming nagsasama-samang magkakaklase, mas madaming mga happy moments sa isa’t-isa at paminsan-minsan na lang kami nagkaka-away hindi tulad ng dati na wala na atang araw na hindi kami nag-away. Itong 4th year highschool ang hinding hindi ko makakalimutan kapag ako ay naging kolehiyo na. Marami akong nakilala at naging kaibigan sa iba’t-ibang seksyon. Maraming mga alaala ang ibinigay sa akin ng buhay 4th year ko. Dito ay naranasan ko na ang lahat, ang maging mang-aawit, mananayaw at ang maging munting artista kahit isang saglit lamang. Dito ay naranasan ko din ang mabigo, magtagumpay at higit sa lahat ang masaktan. Nagtagumpay dahil pinalad akong mapasama sa Honors mula 1st year to 3rd year. At ngayong 4th year ay pinalad pa din akong mapasama sa honors mula 1st Grading hanggang 3rd Grading.
At hinangad ko pa din na sana ay mapabilang ako sa mga bibigyan ng medalya sa darating naming pagtatapos. Lubos kong dadamdamin kapag nabigo ako sa hangaring ito. Naranasan ko din ang mabigo, minsan ay mababa ang aking mga marka sa pagsusulit dahil sa katamaran ko din sa pag-aaral. Ngunit ang pinaka hindi ko makakalimutan sa lahat ay ng mabigo akong makapasa sa U.P Los Banos. Hindi lang ako ang nabigo sa hindi ko pagpasa dito, lubos ding nanghinayang ang aking papa sa nalaman niyang balita. Ngunit iniisip ko na siguro ay hindi talaga para sa akin iyon at mas magandang plano sa akin ang Panginoon.
At ngayon ay nalalapit na ang aming pagtatapos, malapit na kaming magkahiwa-hiwalay ng aking mga mahal na kaibigan at kaklase. At hindi ko pa alam kung ano ang magiging buhay ko sa kasalukuyan. Ang aking pagtatapos ay hindi nangangahulugan na tapos na ang aking paghihirap ito ay simula ng aking panibagong buhay.
-WAKAS-