BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, February 12, 2011

“SIMPLE GIRL”

“SIMPLE GIRL”
(FUTURISTIC STORY)

            “Haaayzz….. Pasukan na naman!! Ano kaya ang mangyayaring pagbabago sa aking buhay estudyante sa bago kong lilipatang paarala?” Ang pabuntong hiningang nasabi at naitanong ni Michelle sa kanyang sarili.

            Dito magsisimula ang aking maikling kwento. May isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap na makatapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya niya upang iahon ito sa kahirapan. Siya ay 15 taong gulang na, tutungtong sa ikaapat na antas sa sekundarya sa susunod na taon, ang simple pero palabang dalaga na ito ay Michelle. Siya ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan at nangunguna sa kanilang kaklase mabait na anak at higit sa lahat maka-Diyos. Siya ay may determinasyong makapagtapos ng pag-aaral masipag at masikap. Para sa kanya hindi hadlang ang kanilang kahirapan upang matupad ang kanyang mga pangarap. Isang araw ay may nag-nais na tustusan siya sa kanyang pag-aaral at napagpasyahang ilipat ito sa isang kilalang-kilala mamahalin at may mataas na kalidad ng edukasyon sa lungsod ng San Pablo ang “DIZON ACADEMY”.

            Ito ay ang pinakasikat na eskwelahan sa buong San Pablo dahil sa mataas na kalidad ng edukasyon, magagaling at talentadong estudyante, mga Propesyonal at magagaling na guro at madaming mga makabagong teknolohiya at pasilidad na talagang napapakinabangan ng mga estudyante. Ito ay may 5 regular section na tinatawag na Einstein, Galileo, Kepler, Oersted and Faraday section at may isang natatanging seksyon na ang lahat ay naghahangad na mapabilang ditto, ito ay tinatawag na Special A section o mas kilala sa tawag na S.A section Ito ay kinabibilangan ng 25 matatalino at talentadong estudyante. Hindi madali ang mapabilang sa S.A section, dadaan ka muna sa butas ng karayom para makapasok dito, naiiba din sila sa ibang seksyon sa DIZON ACADEMY dahil sa kakaibang uniporme ng mga ito at madaming nahihirapan  na subject ang pinag-aralan hindi tulad ng regular section na mas konti ang subject na pinag-aaralan.

            Nang si Michelle ay inilipat na sa DIZON ACADEMY, siya ay kumuha ng entrance exam dito at pinalad naman siyang makapasok sa natatanging seksyon (S.A Section) dahil sa angking talinong tinataglay nito. Nang malaman niya na pinalad siyang makapasok sa S.A Section ay tuwang-tuwa siya. Ipinagmamalaki din siya ng kanyang mga magulang dahil para sa kanila isang karangalan na mapabilang ang kanilang anak sa pinakamataas na seksyon sa DIZON ACADEMY.

            June 06, 2011 araw ng Lunes, unang araw ng pasukan – Unang araw ng makabagong buhay             ni Michelle bagong lahat, bagong paaralan, guro, ka schoolmate, at bagong mga kaklase. Sa una ay hindi niya alam kung paano siya makikitungo sa kanyang mga bagong kaklase. Marami kasi siyang maririnig tungkol sa mga taga S.A section. Ito daw ay mga mayayabang, mapagmataas, maarte at mahirap maging kaibigan. Habang nag-iisip kung paano niya malalampasan ang araw ng iyon ay biglang dumating ang kanilang gurong taga-payo. Agad siyang tinawag niyo at pinapunta sa unahan ng klase upang magpakilala. “Siya si Michelle Yang, Siya ang bago niyong kaklase. Maging mabait kayo sa kanya”. Ang wika ng kanilang guro at pag katapos noon ay nagsalita naman siya upang siya mismo ang magpakilala sa kanyang sarili. “Ako nga pala si Michelle Yang, 15 taong gulang na. Dati akong pumapasok sa isang pampublikong paaralan. Napalipat ako dito sa DIZON ACADEMY nang may nag nais na pag-aralin ako sa isang kilalang-kilalang paaralan dahil sa mataas nitong antas ng edukasyon. At pinalad naman akong makapasok dito sa S.A section. Sana ay magustuhan niyo ako, kinagagalak ko ang makilala kayo,” ang wika naman ni Michelle.

            Pinalakpakan si Michelle ng kanyang mga kaklase matapos siyang magsalita bumalik na din siya sa kanyang upuan. Tumunog na ang bell ng eskwelahan na nangangahulugang recess time na nila. Nilapitan si Michelle ng 4 niyang kaklase. Ito ay sina Liezel, Paula, Daisy at Mara. Kinakabahan si Michelle, hindi niya kasi alam kung bakit lumapit ang apat sa pinakasikat na estudyante sa S.A section. Sinalubong ng 4 na estudyanteng ito si Michelle ng isang matamis na ngiti. Niyaya nila si Michelle na kumain sa kantina at pumayag naman si Michelle. Matapos bumili ng pagkain ang 5 ay umupo na sila. Nagkwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang buhay. Nagpakwento ang 4 kay Michelle tungkol sa kanyang buhay. “Magkwento ka naman Michelle,” ang sabi ni Paula. “Kwento ko?” ang tanong ni Michelle. “OO, kwento mo, sige na Michelle” ang nasabi naman ni Mara.

            “Yang ang apelyido mo diba? Ibig sabihin galing ka sa isang isang sikat na Chinese Family ,” ang dagdag pang tanong ni Daisy.

            “Oo pero hindi kami mayaman half-chinese, half-filipina ako. Ang tatay ko ay Chinese at ang nanay ko naman ay pilipina. Galing nga ako sa pamilya Yang pero nawalan ng mana ang tatay ko matapos siyang lumayas sa kanila, ayaw niya kasi doon sa mapapangasawa niya kaya ayon umalis siya sa kanila hanggang sa makilala niya ang mama ko at nagpakasal sila at hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita ang Lolo at Lola ko. Sa Father Side ko,” ang natapos na kwento ni Michelle. “Eh kayo ano ba ang kwento niyo, kwentuhan niyo naman ako tungkol dito sa DIZON ACADEMY,” ang dagdag na sinabi ni Michelle.

            “Dito sa DIZON ACADEMY Masaya naman, magagaling ang mga Guro dito pati mga estudyante. Kaming mga taga S.A ang tinatawag nilang      the crop dahil kami daw ang pinakamagaling dito. Titiyakkin ko sayo magiging Masaya ka sa aming section, mababait kaming lahat dito mga mukha lang kaming matataray at maarte, yung mga regular section nga eh galit lahat sa amin hindi namin alam kung bakit ba sila galit sa amin,” ang kwento nina Liezel, Paula, Daisy at Mara.

            Maganda ang naging pakikitungo sa kanya ng kanyang mga bagong kaklase. Naging kaibigan niya ang lahat ng mga ito. Pero mas naging ka close niya sina Paula, Daisy, Liezel at Mara. Nagbuo silang limang magkakaibigan ng isang grupo, tinawag nila ang kanilang grupo na Daisy’s angel. Sila ang grupo ng mahilig sa gimik, mamasyal at kumain sa labas.

            Lumipas ang mga buwan, Marso 15, 2011 na, malalapit na ang araw ng kanilang pagtatapos. Konting araw na lang ay magkakahiwa-hiwalay na sila ng kanyang mga kaibigan. Dahil ditto ay labis ang lungkot na kanilang nadarama. Gayun pa man ay nangako sila sa isa’t-isa na hindi sila magkakalimutan, madalas pa din silang magkikita at lalabas na lima.

            April 2, 2011 araw ng kanilang pagtatapos. Handan a ang lahat, ang lugar, mga guro at estudyanteng nagsisipagtapos. Sa araw ding iyon nakilala ni Michelle ang nagtustos sa kanyang pag-aaral. Ito ay sina Mr. and Mrs. Yang na kanyang Lolo at Lola. Masayang Masaya si Michelle dahil sa wakas ay nakilala niya ang kanyang Lolo at Lola. Masaya din ang kanyang mga kaibigan sa nangyari sa buhay ni Michelle. Pagkatapos ng graduation ay masayang gumimik ang magkakaibigan. Hanggang sa kasalukuyan ay magkakaibigan pa din ang Daisy’s Angel.

                                               
                                                                                                            ACOUSTIC PRINCESS-08

0 comments: